^

Bansa

‘Rally for Peace’ ng INC suportado ni Tolentino

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng buong pagsuporta si Senator Francis “Tol” Tolentino sa “Rally for Peace” ng Iglesia ni Cristo na idaraos ngayon sa Quirino Grandstand sa Ermita, Maynila.

Ang rally, na naglalayong isulong ang kapayapaan at pagkakaisa sa gitna ng mga tensyon sa pulitika, ay inaasahang dadaluhan ng higit sa 1 milyong miyembro ng INC, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“This initiative is a timely and vital remin­der of the need for unity dialogue, and harmony amidst the challenges our nation faces,” sabi ni Tolentino.

Sinabi ng maimpluwensyang INC na gaganapin ang pagtitipon upang suportahan ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pag-impeach kay Vice President Sara Duterte ay isang pag-aaksaya ng oras ng Kongreso at “hindi magkakaroon ng pagbabago sa kahit isang buhay ng Pilipino.”

Sa katunayan, nagpahiwatig si PBBM sa mga mambabatas noong Nob­yembre na huwag ituloy ang mga hakbang para i-impeach si Duterte. Sinabi rin ng mga pinuno sa Kamara noong buwang iyon na walang talakayan sa mga miyembro ukol sa impeachment.

Gayunpaman, sinabi ng Kamara na tungkulin nitong iproseso ang anumang mga reklamo na maaaring ihain laban sa bise-presidente.

“The Rally for Peace reflects the shared desire of Filipinos for understanding and cooperation, transcending divisions for the common good,” ang sabi ni Tolentino.

Pinupuri ni Tolentino ang INC sa pangunguna sa pagsisikap na ito at pagbibigay inspirasyon sa lahat na magtulungan para sa mas mapayapa at nagkakaisang Pilipinas.

FRANCIS “TOL” TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with