Kabilang 2 heneral
MANILA, Philippines — Sinampahan na ng Department of Justice-National Prosecution Service (DOJ-NPS ) ng kaso ang 30 pulis, kabilang ang dalawang heneral, dahil sa “planting of evidence” at mishandling ng isang high-profile case kaugnay sa pagkakasamsam ng mahigit 900 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ?6.7 bilyon sa Tondo, Maynila noong Oktubre 2022.
Sa resolusyon nito, sinabi ng DOJ prosecutors na nabigo ang mga opisyal na magsagawa ng legal na pag-aresto sa isang pulis na sinasabing sangkot sa drug trade at isa pang indibidwal na inakusahan ng drug trafficking.
Ang mga kaso na isinampa sa Manila Regional Trial Court Branch 175 ay paglabag sa Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act laban kina LtGeneral Benjamin Santos Jr., Brigadier General Narciso Domingo, at 28 iba pa.
Ito ay nag-ugat sa sinasabi ng pulisya na hot pursuit operation kay Police Master Sergeant Rodolfo Mayo noong Oktubre 9 at buy-bust operation kay Ney Atadero noong Okt. 8.
Iginiit ng DOJ na ang pag-aresto ay ‘simulated’. Ang kuha ng CCTV na ipinakita ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng National Police Commission (Napolcom) ay nagsiwalat ng hindi pagkakatugma sa salaysay ng pulisya.
Ang footage, na ipinakita rin ni dating Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. sa isang press conference, ay di-umano’y nagpakita kay Mayo na nakaposas noong Okt. 8, na taliwas sa ulat na inaresto ng Ok. 9.
Nakita si Mayo na dinala sa WPD Lending—isang site na naka-link sa drug bust—habang si Atadero ay naobserbahang malayang gumagalaw sa parehong lokasyon.
“We can conclude from the complaints that Mayo was already arrested earlier in Bambang, Tondo, Manila, for allegedly possessing two kilograms of shabu. Atadero can also be seen from CCTV footage freely roaming the WPD Lending office. Hence, the subsequent arrests were staged,” saad sa resolusyon.
“For willfully causing the unsuccessful apprehension and prosecution of Mayo and Atadero, which could have been legitimately carried out if the concerned police officers only lawfully discharged their official functions, they should be held criminally liable for violation of Section 92 of RA 9165 (Planting of Evidence under the Comprehensive Dangerous Drugs Act),” saad pa sa resolusyon.