MANILA, Philippines — Handa ang gobyerno ng Pilipinas na tulungan ang mga Filipino na naapektuhan ng malawakang wildfires sa katimugang bahagi ng California.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Adelio Angelito Cruz, na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga kababayan sa lahat ng uri ng paraan.
Ayon pa kay Cruz, karamihan sa mga Filipino ay nasa ilalim ng mandatory evacuation.
Nauna na rin humingi ng tulong ang mga Pinoy at Filipino-Americans dahil ilan sa kanila ay nasunog ang mga ari-arian.
Samantala, naglabas na rin ng abiso ang Philippine Consulate General sa Los Angeles sa mga Filipino nationals na makipag-ugnayan sa diplomatic post para sa kailangang tulong.
Sinabi naman ni Cruz na sa ngayon ay tatlong Pilipinong pamilya pa lamang ang nakikipag-ugnayan sa kanila para humingi ng tulong.
“The Consulate is coordinating with local authorities and closely monitoring the situation of Filipino nationals in the affected areas. Filipino nationals requiring the Consulate’s assistance may call (323) 528-1528,” nakasadd sa abiso ng Consulate.
Inaabisuhan din ng Consulate ang Filipino community sa mga lugar na naapektuhan ng wildfires sa Los Angeles County na sumunod sa mga lokal na advisory, mag-ingat at sumunod sa evacuation centers.