Admin candidates kailangan pa rin suporta ng mga Duterte — UP prof

MANILA, Philippines — Kailangan pa rin umano ng suporta ng mga Duterte ang mga kandidato ng administrasyong Marcos para sa nalalapit na midterm election sa May 12.

Ito ang pananaw ni UP Political Science Professor Aries Arugay sa panayam ng ANC Channel kaugnay ng nalalapit na halalan sa bansa.

Anya, isang halimbawa dito ay si da­ting senadora Imee Marcos na kapatid ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr ay kilalang malapit sa mga Duterte.

Bagamat marami rin anya ang malalakas na kandidato sa pagka-Senador sa Metro Manila at karatig lalawigan ay malaki rin ang tulong ng mga local support laluna ng mga kapamilya ng mga kandidato na nasa labas ng Metro Manila.

Malaki rin anya ang maitutulong ng endorsement ni VP Sara Duterte sa napupusuang kandidato kahit na nalalagay ito sa ibat ibang mga kontrobersiya sa ngayon, bunsod ng marami pa rin itong taga-suporta sa ngayon.

Maaari anyang hindi pa ito naghahayag ng napupusuang kandidato sa ngayon dahil malayo pa ang election.

Sa mga kandidato ng adminitrasyon sa pagka-Senador ay kilalang malakas pa rin ang mga mula sa balwarte ng Cavite na sina dating senador Panfilo Lacson, Senzs Francis Tolentino at Sen. Bong Revilla. Sa Metro Manila naman ay sina dating Senate president Tito Sotto, Sen. Alan Peter Cayetano at Congresswoman Camille Villar.

Show comments