MANILA, Philippines — Verified na ang tatlong impeachment complaint na naisampa sa Kamara laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco kung saan ang tatlong impeachment complaint ay tungkol umano sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President.
Ani Velaso, nang maisampa ang mga reklamo ay agad na pinag-aralan ng House legal department kaya sa ngayon ay na-verified na lahat ang tatlong impeachment complaint.
Sinabi ni Velasco na takda nang maipadala anumang araw ang tatlong reklamo sa tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez upang maisama ito sa 10 araw na House plenary’s Order of Business.
Ang Plenary naman ay may tatlong araw upang maipadala ang reklamo sa House justice committee para sa kaukulang komento.