Klase, pasok sa gobyerno sa Maynila at Pasay suspendido sa Enero 13

An undated file photo of a gathering of members of the Iglesia Ni Cristo.

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas ng paaralan sa Maynila at Pasay sa Nobyembre 13.

Ito ay dahil sa gaga­wing peace rally ng Iglesia Ni Cristo o INC.

Base sa Memorandum Circular 76 na inilabas ng Palasyo, wala ring pasok sa lahat ng antas ng paaralan, maging pribado at pampubliko.

Ipinauubaya naman ng Malakanyang sa pri­badong kompanya ang pagpapasya kung magsususpinde ng trabaho.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang memorandum kahapon Enero 10, 2025.

Ikakasa ng INC ang “Pambansang Rally para sa Kapayapaan” sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Show comments