P58/kilo ‘maximum SRP’ sa imported rice

Magkatuwang na nag-inspeksiyon sina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque para alamin ang presyo at suplay ng bigas sa Murphy Public Market sa Cubao, Quezon City kahapon. Simula Enero 20 ay ipatutupad ng DA ang maximum sugges- ted retail price (MSRP) na P58 kada kilo sa imported rice.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na epektibo sa January 20 ngayong taon  ay ipatutupad na ang P58 kada kilo ng maximum suggested retail price (MSRP) sa imported na bigas.

Ito anya ay kasunod nang konsultasyon ng DA sa importers, retailers, at rice industry stakeholders.

Sa ilalim nito, inisyal na ipatutupad ang MSRP sa Metro Manila para sa ‘5% broken’ imported na well -milled at regular-milled na bigas.

Mandatory ito maging sa mga imported rice na ibinebenta sa mga supermarket at groceries.

Layon ng MSRP na mabalanse ang presyo ng imported na bigas sa merkado at masigurong ito ay patas para sa mga magsasaka at rice industry at abot kaya sa mga mamimili.

Batay sa kanilang kalkulasyon, ang bentahan ng 5% broken imported rice ay hindi dapat lalagpas sa P58 kada kilo.

Magkakaroon naman ng buwanang review sa MSRP kaya pwedeng magbago ito kada buwan.

Una nang iginiit ni Tiu-Laurel na wala na dapat P60 kilo ng imported rice na nakikita sa merkado dahil maituturing na itong ‘profiteering’.

Show comments