MANILA, Philippines — Magsasagawa ng trilateral phone call si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay US President Joe Biden at Japan Prime Minister Ishiba Shigeru.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez, nakatakda ang trilateral phone call sa Linggo ng hapon, Enero 12.
“We can confirm that this is in the calendar of President Marcos on January 12, Sunday,” ayon kay Chavez.
Si Biden aniya ang magsisilbing host sa virtual meeting sa kanyang biyahe patungong Rome.
Matatandaang nagkaroon ng maritime cooperative activity ang Pilipinas, Amerika at Japan sa exclusive economic zone ng Pilipinas sa South China Sea noong Disyembre.