Mary Jane Veloso, nagdiwang ng ika-40 kaarawan sa Correctional
MANILA, Philippines — Muling umapela ang kampo ni Mary Jane Veloso ng clemency kay Pang. Ferdinand Marcos, Jr..
Ito’y kasabay nang pagdiriwang ni Veloso ng kanyang ika-40 taong kaarawan sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City kahapon.
xSinabi ni Olalia na nasa kamay na ng pangulo ang pagpapalaya kay Veloso, na na-convict sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga sa Indonesia, matapos na pahintulutan itong makauwi ng Pilipinas noong Disyembre at dito ituloy ang kanyang sentensiya.
Umaasa naman ang grupo na mapagbibigyan ni Pang. Marcos ang kanilang hiling.
- Latest