MANILA, Philippines — Ang Pilipinas ang nasa ika-75 na pinakamakapangyarihang pasaporte sa mundo, ayon sa Henley Global Passport Index.
Bumaba ang Pilipinas ng 2 puwesto mula sa 73rd slot nito noong 2024.
Ang listahan ay nakabatay sa kabuuang bilang ng mga destinasyong maaring bisitahin ng isang nagbibiyahe na hindi kailangan ang visa.
Ang Pilipinas ay ika-78 noong 2023, ika-80 noong 2022, ika-77 noong 2021, at ika-74 noong 2020.
Lumabas na ang Singapore ang nangungunang puwesto sa listahan, dahil pinapayagan na ang mga residente nito na bumisita sa 195 bansang walang visa.
Nasa pangalawa ang Japan, kung saan ang mga mamamayan nito ay nakakapaglakbay na sa 193 bansa nang walang visa.
Nasa ikatlo ang Finland, France, Germany, Italy, South Korea, at Spain, na may score na 192.
Ika-4 ang Austria, Denmark, Ireland, Luxembourg, Netherlands, Norway, at Sweden, habang nasa ika-5 puwesto ang Belgium, New Zealand, Portugal, Switzerland at United Kingdom.
Pang-anim ang Australia at Greece: kasunod ang Canada, Malta at Poland; pang-walo ang Czechia at Hungary; pang-siyam ang Estonia at United States, at pang-10 ang Latvia, Lithuania, Slovenia at United Arab Emirates.
Ang Afghanistan ay nanatiling may pinakamababang score na 26 ng pasaporte sa mundo.