^

Bansa

Sa administrasyong Marcos: Philippine mass transport pinalakas ng makabagong PBBM Rail Program

Pilipino Star Ngayon
Sa administrasyong Marcos: Philippine mass transport pinalakas ng makabagong PBBM Rail Program
Tinupad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang pangako na pahusayin ang sistema ng transportasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagpapasinaya ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension Project (L1CE) Phase 1 noong Nobyembre 15, 2024.
Larawan mula sa PCO

MANILA, Philippines — Noong Nobyembre 19, 2024, sumakay si Mark V. sa isang tren ng LRT-1 South Extension mula Quezon City end-to-end, roundtrip. Umabot ng dalawa at kalahating oras ang kanyang biyahe na siyang tagal ng one way na biyahe niya kapag nasakay siya sa MRT at bus.

“Kalahati lang iyan ng normal commute ko. Malaking ginhawa ito sa mga pasaherong gaya ko,” sabi ni Mark na kinunan pa ng video ang kanyang karanasan sa tren apat na araw makaraang pasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Phase 1 ng LRT-1 South Extension.

Naisagawa ang line extension ng unang light rail transit sa Metro Manila pagkaraan ng 40 taon nang pasinayaan ng ama ng Pangulo  na si President Ferdinand E. Marcos Sr. ang United Nations to Baclaran Stations ng LRT-1 noong Setyembre 1984.

Sa paglulunsad ng extension project, kinilala ng Pangulo ang pagsisikap ng kanyang ama na pasimulan ang pagpapagawa ng unang urban rail transist system sa bansa. “Sa araw na ito, mas masaya ang isang anak na makitang ang pananaw ng kanyang ama ay nabibigyang-halaga sa isa pang gawain na nagpapalawak sa mass transit na kanyang binuo para sa mga mamamayang kanyangn minamahal,” wika niya kasabay ng pagbanggit kung paanong ang inisyatiba ng kanyang tatay ay naging isa nang malaking rail transit system na nagsisilbi sa kalakhang Maynila.

Ang Phase 1 ng LRT-1 South Extension ay may habang 6.2 kilometro at nagdagdag ng limang bagong istasyon: Redemptorist-Aseana, MIA Road, PITX, Ninoy Aquino Avenue, at Dr. Santos (Sucat). Inaasahang madadagdagan nang 80,000 ang araw-araw nitong pasahero na aabot sa kabuuang kapasidad na 400,000 commuter. May potensiyal na mabawasan nang 400,000 ang mga kotse at bus na nagpapasikip sa mga kalsada ng kalakhang Maynila.

Pero simula pa lamang ang LRT-1 South Extension na lalo pang palalawigin hanggang Baccor, Cavite pagdating ng 2031. Dalawa pang mas malalaking railway project ang magpapanibagong-hubog sa larangan ng transportasyon sa Pilipinas.

NSCR: Game-changer para sa panrehiyong koneksyon

Patuloy na sumusulong alinsunod sa iskedyul ang pinakamalaki at pinakaambisyosong rail project, ang North-South Commuter Railway (NSCR). Umaabot ito sa 147 kilometro. Pagdudugtungin ng NSCR ang New Clark City sa Tarlac at ang Calamba sa Laguna na sasaklaw sa 36 na istasyon at tatlong rehiyon partikular ang Central Luzon, Metro Manila at Calabarzon.

Hanggang noong Oktubre 2024, natapos na ng mga contractor ng Philippine National Railways ang fencing, track removal at clearing operations para sa elevated sections ng NSCR. Nang buwan ding ito, nasa kalahati na o 49.20 porsiyento na ang pagpapagawa sa Malolos-Clark phase.

Tinatarget sa 2029 ang ganap na pagbubukas ng operasyon nito. Kapag tuluyan na itong tumatakbo, ang NSCY ay makakapagpasakay ng hanggang 800,000 pasahero araw-araw.  Lubhang mababawasan ang oras ng biyahe. Halimbawa, mula Clark Airport hanggang Calamba, tatagal lang ang biyahe nang kulang-kulang nang dalawang oras kumpara sa kasalukuyang tagal na apat na oras o mahigit pa.

Gayundin, kapag natapos ang proyekto, inaasahang mapapaunlad ng NSCR ang transportasyon ng mga kalakal at lilikha ng mga trabaho.

Ang bagong linya ay ang unang proyekto ng riles na natapos sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. Binabawasan nito ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Baclaran, Pasay City, at Bacoor, Cavite, mula 1 oras at 10 minuto hanggang 25 minuto lamang, na nagsisilbi sa 80,000 karagdagang pasahero araw-araw.
Larawan mula sa PCO

Metro Manila Subway: 'Crown Jewel' ng pampublikong transportasyon ng Pilipinas

Isa pang pangunahing inisyatiba sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos ang Metro Manila Subway Project (MMSP) na unang linya ng tren sa ilalim ng lupa sa bansa. Itinuturing na “Crown Jewel” ng Philippine mass transit ang MMSP na isang 36 na kilometrong subway na magkokonekta mula Valenzuela hanggang Sucat na may sanga hanggang NAIA Terminal 3.

Meron nang mahahalagang tagumpay ang proyekto mula nang simulan ang paghuhukay noong Enero 2023. Ang Phase 1 na nakaiskedyul na magbubukas nang bahagya sa 2028 ay unang magsisilbi sa 370,000 pasahero araw-araw sa 17 istasyon. Kapag ganap na ang operasyon nito, idinisenyo ang subway para makapagpasakay ng hanggang 1.5 milyong pasahero araw-araw.

Babawasan ng subway ang oras ng pagbibiyahe sa Metro Manila. Halimbawa, tatagal lang nang 40 minuto ang pagtakbo mula Quezon City hanggang NAIA Terminal 3 kumpara sa  dalawang oras na biyahe ng isang kotse kapag rush hour traffic.  Ang mga tren na tatakbo sa bilis na hanggang 80 km/h at darating tuwing ikalimang minuto ay nangangako ng mas mabilis, maasahan at masinop na karanasan sa pagbibiyahe.

Sama-samang pagbabago at pag-unlad

Kung pagsasamahin, ang tatlong rail project na LRT-1 South Extension, NSCR at MMSP ay makakapagdala ng mahigit 1.25 milyong pasahero araw-araw na sumasaklaw sa habang 186 kilometro sa maraming lunsod at probinsiya. Ang ganitong kauna-unahang malawak na koneksyon ay babawas sa masisikip na daloy ng trapiko, magtutulak sa paglago ng ekonomiya, mas maunlad na pamumuhay, at magtataguyod sa sustainability.

Sa paghugot ng daan-daan libong pasahero mula sa road-based transport, iibsan ng mga proyekto ang nagsisikip na mga kalsada sa Metro Manila. Palalakasin nito ang kalakalan, turismo at pamumuhunan lalo na sa mga rehiyong pinagdudugtong ng NSCR at subway.

Mahalagang mapapabuti ng mga makabago at komportableng transit systems na ito ang kalidad ng buhay ng milyun-milyong Pilipino. At higit na mahalaga, lalo na sa mga GenZs at millennials, ang mga electric-powered train ng mga ganitong transit system ay makakabas sa greenhouse emissions na tumutugma sa pagsisikap ng buong mundo na malabanan ang climate change.

Ang LRT-1 Cavite Extension Phase 1, na nagsimula ng operasyon noong Nobyembre 16, 2024 ay nagpapakilala ng limang bagong istasyon, katulad ng: Redemptorist-ASEANA, Manila International Airport Road, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Ninoy Aquino Avenue, at Dr. Santos (dating Sucat).
Larawan mula sa PCO

President Marcos: Sumusulong nang may pananaw

Kinikilala ni Pangulong Marcos na ang mahusay na sistema ng transporastasyon ay nagtutulak sa progreso ng ekonomiya at nakakapagpabuti sa pamumuhay. “Sa pamumuhunan sa mga transformative rail projects na ito, hindi lang tayo nagtatayo ng imprastruktura; nagbubuo tayo ng hinaharap na bawat Pilipino ay makakagalaw nang malaya, mahusay at tuloy-tuloy,” wika niya.

Umaandar na ang LRT-1 South Extension, meron nang mga mahahalagang nagawa sa NSCR at patuloy na sumusulong ang Metro Manila Subway. Mabilis na gumugulong ang mga rail project ng administrasyong Marcos. Inilalapit na ang Pilipinas sa mas makabago, interconnected at yumayabong na kinabukasan.

 


Editors Note: This press release is not covered by Philstar.com's editorial guidelines. 


 

LRT

MRT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with