Romualdez suportado ng iba’t ibang political party

House Speaker Ferdinand Martin Romualdez on February 8, 2024.

MANILA, Philippines — Suportado ng iba’t ibang political party sa bansa ang pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nasa likod ng mga tagumpay na narating ng Kamara de Representantes ngayong 19th Congress.

Ang pagsuporta sa pamumuno ni Speaker Romualdez ay magkakahiwalay na inihayag ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), National Unity Party (NUP), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP) at Party-List Coalition Foundation Inc. (PCFI).

Ayon kay NUP president CamSur Rep.LRay Villafuerte hindi maitatanggi na pagiging produktibo ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez.

Aniya, naipasa na ng Kamara ang halos lahat ng mga panukala na prayoridad na maipasa ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) at nabanggit ni ­Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA),na makatutulong upang mapaganda ang kalagayan sa buhay ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap at mga bulnerableng sektor gaya ng mga senior citizen, persons with disabilities, at solo parent.

Muli ring iginiit ng mga stalwart ng Lakas-CMD na sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez, at House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe ang kanilang pagsuporta kay Speaker Romualdez at Pangulong Marcos. Sinabi nila na sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay nagkakaisa ang mga miyembro ng Kamara sa paghahatid ng mga pro-people na panukala alinsunod sa development goals ni Pangulong Marcos.

Show comments