^

Bansa

Pagpasok sa Philippines ng 300 Afghan refugees, suportado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagpasok sa Philippines ng 300 Afghan refugees, suportado
Up to 300 Afghan nationals arrive in the Philippines aboard a chartered flight, Jan. 6, 2025, to complete the processing of their U.S. Special Immigrant Visas for their immigration to the United States.
STAR/File

MANILA, Philippines — Para sa makataong kadahilanan, suportado ni Senator Francis “Tol” Tolentino ang aksyon ng gobyerno na payagan ang pagpasok ng 300 Afghan sa Pilipinas habang pinopro­seso ang kanilang Special Immigrant Visa (SIV) para sa paninirahan sa Estados Unidos.

Ito ay alinsunod din sa isang kasunduang nilagdaan noong Hulyo 29, 2024 sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na niratipikahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Setyembre 25, 2024 upang pansamantalang kupkupin ang Afghan refugees habang pinoproseso ang kanilang mga SIV.

Sinabi ng senador na ang pagtanggap sa mga refugee ang pinakamataas na pamantayan pagdating sa pagsunod sa internasyonal na pangako sa karapatang pantao.

“We Filipinos have a proud history of extending humanitarian aid to those in need, including Jewish refugees during the era of President Manuel L. Quezon and Vietnamese refugees after the Vietnam War. Recently, we also provided assistance to Rohingya refugees,” ani Tolentino.

Ang Afghan refugees ay mananatili sa isang pasilidad na pinatatakbo ng US State Department nang hanggang 59 araw.

AFGHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with