9 malalaking barko ng China nasa EEZ ng Pinas

MANILA, Philippines — Siyam na malalaking barko ng China Coast Guard (CCG) kabilang ang tinaguriang monster ship ang namonitor na nasa bisinidad ng karagatang nasasaklaw ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng West Philippine Sea (WPS).

Ito ang inihayag ng maritime experts na si Ray Powell, dating United States Air Force official at dati ring Defense attache sa ipinoste nitong mensahe sa kaniyang X.

Kabilang sa mga namonitor na malalaking barko ng China ay ang CCG 5901 o ang monster ship, CCG 3304, CCG 3502, CCG 3103, CCG 3305, CCG 3302, CCG 3106, CCG 21559 at CCG 5202.

Ang 165 metrong monster ship ay una nang namonitor sa Capones Island sa Zambales noong Sabado na nasa 200 nautical miles ng EEZ ng bansa.

Sumunod itong namonitor nitong Lunes malapit sa Lubang Island, Occidental Mindoro.

Show comments