Kondisyon ng PDLs prayoridad ni Bong Go

MANILA, Philippines — Kabilang sa mga prayoridad ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga inisyatiba sa pagpapabuti ng mga pasilidad sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakapokus sa pagbibigay ng rehabilitative environments sa Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Para sa 2025 budget, sinuportahan ni Senator Go ang mga pangunahing proyektong pang-imprastraktura, kabilang ang pagtatayo ng basketball court sa Island Garden City ng Samal City Jail at isang male dormitory sa Urdaneta District Jail sa Pangasinan.

“Kailangan nating bigyang-pansin ang kapakanan ng ating mga PDL. Sa pamamagitan ng maayos na pasilidad, matutulungan natin silang magbagong buhay at makapag-focus sa kanilang rehabilitasyon,” idiniin ni Go.

“Kahit nakakulong sila, itinataguyod natin ang kanilang karapatang magkaroon ng maayos na buhay.”

Samantala, ang bagong dormitoryo sa Pangasinan ay makatutulong sa pagtugon sa siksikang mga selda na pangunahing isyu sa mga kulungan sa Pilipinas.

Naniniwala rin siya sa ikalawang pagkakataon at ang kahalagahan ng rehabilitative programs para sa mga PDL sa pagsasabing ang bawat isa ay dapat bigyan ng tyansang makapagbago at makapag-ambag muli sa lipunan.

Show comments