MANILA, Philippines — Pinukaw ng ‘daily winner’ mula Marinduque ang puso ng mga viewer ng Christmas episode ng “58 Days ng Milyon-Milyong Pa-premyo” ni Manong Luis “Chavit” Singson sa kanyang official Facebook page.
Wagi sa ‘daily winner’ si Shirley Rey, ‘single mom’ na gaya ng ibang mga magulang ay hirap sa pagpapa-aral ng kanilang mga anak.
Sa panayam ng online game show hosts na sina Jourdan Sebastian at CJ Hirro, hindi napigilang ilabas ni Rey ang bigat na nararamdaman. Hindi nito napigilang lumuha nang magkuwento ukol sa hirap ng kanilang buhay kaya ganoon na lamang ang kanyang tuwa nang manalo ng P200,000.
Nabatid na naging batayan ni Manong Chavit ang tatag at lakas ng loob ni Shirley Rey kaya nagpasya itong naman dagdagan pa ang kanyang cash prize ng P80,000, mula sa P116,000 na unang napanalunan.
Iginiit naman ni Rey na malaking tulong ang halagang ibinigay ni Manong Chavit para mapagtapos ang bunsong anak na kasalukuyang kumukuha ng Tourism Management sa kolehiyo.
Ani Rey, malaking halaga ang kanyang ka kailangan sa pag-aaral ng bunsong anak dahil sa mahal ng matrikula at gastusin sa ‘travel and tour’ activities.
Dahil sa kaantig-antig na kuwento ni Rey, ang katatapos lamang na Christmas episode ng “58 Days ng Milyon-milyong Pa-premyo” ay mayroon ng 522,000 comments, 17,000 reactions, and 12,000 shares, na patuloy pang namimigay ng P5,800 sa 55 pang mga nanalo ng araw na iyon na dali-dali namang ipinadala ng Team Chavit sa kani-kanilang VBank PH accounts.
Ayon sa ilang malapit na kaibigan, noon pa man ay tumutulong na si Singson sa pag-aaral hindi lamang sa kanyang mga kababayan sa Ilocos Sur, kundi maging sa iba’t ibang panig ng bansa.