^

Bansa

Lalaking may sakit, namatay na lang sa kalsada - Bong Go

Pilipino Star Ngayon

‘Healthcare system, paigtingin’

MANILA, Philippines — Lubos na ikinalungkot ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health and demography, sa malagim na pagkamatay ng isang lalaki sa Rosario, Cavite, na nagbunsod ng mga talakayan tungkol sa estado ng healthcare system sa bansa.

Ang biktima na umano’y may ma­tinding karamdaman ay natagpuan na lamang na wala nang buhay sa gilid ng kalsada, ilang sandali  matapos umalis sa isang klinika nang hindi nasusuri.

Sa inisyal na imbestigasyon noong Huwebes, Enero 2, lumitaw na ang biktima ay sumakay sa isang mini-bus mula Cavite City patungong Rosario.

Napansin ng driver ng bus ang lalaki na nababalisa at nahihirapan kaya ibinaba niya ito malapit sa municipal hall upang makahingi ng medikal na atensyon sa isang malapit na klinika. Gayunpaman, mabilis na umalis ang lalaki nang hindi nakokonsulta ng doktor at kalaunan ay natagpuang wala nang buhay sa kalsada.

Ang insidente ay umani ng iba’t ibang reaksyon sa netizens, marami sa kanila ay sinisi ang sistema ng healthcare system sa bansa.

Ilang netizens ang nagsabi na ang mahihirap na Pilipino ay madalas na nag-aatubiling humingi ng panga­ngalaga sa ospital dahil sa takot sa napakaraming gastos sa medikal.

“Hindi dapat mangyari na ang isang Pilipino ay mawalan ng buhay dahil hindi niya nakuha ang atensyong medikal. Ang dekalidad na pangangalagang pangkalusugan ay hindi isang pribilehiyo para sa iilan lamang—ito ay isang pangunahing karapatan na dapat makuha ng lahat, lalo na ang mga mahihirap na higit na nangangailangan nito,” ang sabi ni Senator Go.

Bilang isang crusader para sa mga reporma sa kalusugan, nanawagan si Go na lalo pang pagbutihin ang PhilHealth, partikular sa pagpapalawak ng mga benepisyo nito at paggamit ng malaking hindi nagamit na pondo.

Ayon sa senador, ang pagkamatay sa lansangan ng lalaking may sakit ay nagpapaalala na kailangang paigtingin ang sistema ng pangkalusugan upang ang bawat Pilipino, anuman ang estado sa buhay, ay magkaroon ng access sa abot-kaya at de-kalidad na serbisyong medikal.

BONG GO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with