MANILA, Philippines — Magsisimula ang tradisyunal na ‘pahalik’ sa Poon ng Hesus Nazareno sa Enero 7 sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, Maynila.
Ayon sa mga organizer, sisimulan ang ‘pahalik’ sa Martes at susundan naman ito ng 30 misa na gaganapin mula alas-3 ng hapon ng Enero 8 hanggang alas-11 ng gabi ng Enero 9, ang mismong araw ng kapistahan.
Sa Enero 9 naman ay pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang gabing misa bago ang Traslacion na isang malaking prusisyon na dinadaluhan ng milyong deboto.
Dadalhin naman ang centuries old na imahe ni Hesus Nazareno mula Quirino Grandstand pabalik sa Quiapo Church.
Ang ‘pahalik’ ay literal na nangangahulugang ‘paghalik’ sa poon ngunit may mga deboto ring humahawak o nagpupunas lamang ng kanilang panyo o tela sa imahe ng Poong Hesus Nazareno.
Nitong Enero 1 ay iba’t ibang aktibidad na ang itinakda para sa Pista ng Nazareno kabilang dito ang brgy visitations hanggang Enero 6.