^

Bansa

‘Pahalik’ sa Nazareno magsisimula sa Enero 7

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Pahalik’ sa Nazareno magsisimula sa Enero 7
Scenes around the Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno in Quiapo, Manila on January 4, 2025 morning, five days before the Poong Hesus Nazareno Grand Procession.
Walter Bollozos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Magsisimula ang tradisyunal na ‘pahalik’ sa Poon ng Hesus Nazareno sa Enero 7 sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, Maynila.

Ayon sa mga organizer, sisimulan ang ‘pahalik’ sa Martes at susundan naman ito ng 30 misa na gaganapin mula alas-3 ng hapon ng Enero 8 hanggang alas-11 ng gabi ng Enero 9, ang mismong araw ng kapistahan.

Sa Enero 9 naman ay ­pangungunahan ni Manila ­Archbishop Jose Cardinal Advincula ang gabing misa bago ang Traslacion na isang malaking prusisyon na dinadaluhan ng milyong deboto.

Dadalhin naman ang centuries old na imahe ni Hesus Nazareno mula Quirino Grandstand pabalik sa Quiapo Church.

Ang ‘pahalik’ ay literal na nangangahulugang ‘paghalik’ sa poon ngunit may mga deboto ring humahawak o nagpupunas lamang ng kanilang panyo o tela sa imahe ng Poong Hesus Nazareno.

Nitong Enero 1 ay iba’t ibang aktibidad na ang itinakda para sa Pista ng Nazareno kabilang dito ang brgy visitations hanggang Enero 6.

NAZARENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with