^

Bansa

2 mag-utol na Pinay patay sa ’cake’ na paputok sa Hawaii

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 mag-utol na Pinay patay sa ’cake’ na paputok sa Hawaii
Kinilala ang mga biktimang magkapatid na sina  Carmelita Turalva Benigno and Nelly Turalva Ibarra.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong babae kabilang ang dalawang Pinay na magkapatid sa pagsalubong ng Bagong Taon dahil sa mga ilegal na pailaw sa Honolulu, Hawaii.

Kinilala ang mga biktimang magkapatid na sina  Carmelita Turalva Benigno and Nelly Turalva Ibarra.

Nagtamo rin ng sunog sa katawan ang dalawang anak, pamangkin at tatlong taong gulang na apo ni Carmelita na kasalukuyang ginagamot sa ospital at 30 iba pa. 

Lumalabas sa inisyal na ulat ng otoridad na nagmula ang trahedya dahil sa pagisisindi ng isang cake na may mga nakalagay na 50 aerial rockets o pailaw.

Dahil dito kaya sumabog ang mga paputok at dumiretso pa sa ibang kahon ng paputok.

Nanawagan naman ng tulong pinansyal at panalangin ang pamangkin ni Benigno na si Raylan Benigno para sa kanyang mga mahal na sa buhay na nasa ospital.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang Philippine Consulate sa Honolulu sa lokal na pulisya doon para mabatid kung may iba pang Pinoy na nadamay sa insidente.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with