MANILA, Philippines — Idineklara ng Palasyo na Malakanyang na special non-working holiday sa Maynila sa Enero 9, 2025 kaugnay ng pagdiriwang sa Pista ng Quiapo.
Sa Proclamation No. 766 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi nito na nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging maayos ang prusisyon ng mga deboto at maayos din ang daloy ng trapiko.
Bukod dito, nilinaw din ni Bersamin na kahilingan din ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang suspensyon ng pasok.
“President Ferdinand Marcos Jr. made the declaration “in order to ensure orderly procession of devotees and to facilitate the flow of traffic”, and upon the request of the city government,” saad pa sa proklamasyon.