11K foreign POGO workers tugis

“The best wa“The best way na sumuko sila kesa hanapin pa sila. Sumuko sila so they can be deported in a more quiet way. Ilalabas na lang sila, wala ng fanfare,” ani Dana Sandoval, tagapagsalita ng BI.y na sumuko sila kesa hanapin pa sila. Sumuko sila so they can be deported in a more quiet way. Ilalabas na lang sila, wala ng fanfare,” ani Dana Sandoval, tagapagsalita ng BI.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Bureau of Immigration (BI) ang mahigit 11,000 Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) foreign workers na nananatili pa sa bansa na boluntaryong sumuko sa mga awtoridad para sa deportasyon.

“The best way na sumuko sila kesa hanapin pa sila. Sumuko sila so they can be deported in a more quiet way. Ilalabas na lang sila, wala ng fanfare,” ani Dana Sandoval, tagapagsalita ng BI.

Sinabi ni Sandoval na sa 33,863 foreign nationals, 22,609 ang nakalabas na ng Pilipinas. Ibig sabihin, nasa 11,254 dayuhang manggagawa ng POGO ang nasa bansa.

Paliwanag niya, malaking hamon pa sa BI ang mahigit 11-libo na nananatili pa sa bansa na POGO foreign workers matapos ang itinakdang deadline na Disyembre 31, 2024 kaya nakikipagtulungan sila sa Presidential Anti-Organized Crime Commission, PNP, NBI) at local government units (LGUs) para sa manhunt operation.

Pagkatapos ng deadline, ang mga empleyado ng POGO ay maituturing na mga illegal alien at isasailalim na sa deportasyon at malalagay sa blacklist.

Nobyembre ng nakalipas na taon nang magpalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order No. 74, na nag-ban sa operasyon ng mga POGO sa bansa.

Show comments