^

Bansa

Budget ng OP dinagdagan ng P5.2 bilyon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadagdagan ang budget ng Office of the President (OP) sa ilalim ng inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na P6.326 Trilyon na 2025 national budget.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na nagkaroon ng pagbabago sa budget ng OP dahil hinabol nila sa National Expenditure program o NEP ang P5.2 bilyong pondo para sa 2026 Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) kung saan ang Pilipinas ang magho-host.

Paliwanag pa ni Bersamin, ang dapat magho-host ng ASEAN ay ang Myanmar subalit maraming head of states na kasapi ang tumangging magtungo doon dahil na rin sa sitwasyon ng kanilang bansa.

Dahil alphabetical ang pagho-host ng ASEAN kaya ang Pilipinas na ang susunod pagkatapos ng Malaysia sa 2025.

Ayon pa sa kalihim, malaki ang gastos para sa preparasyon ng ­ASEAN at dalawang taon ang paghahanda dito kaya kailangan nang simulan sa susunod na taon ang preparasyon dito.

Samantala, kumpiyansa naman si Bersamin na walang magiging mga legal na hamon laban sa 2025 national budget, bagama’t hindi naman aniya nilang kayang pigilan kung may mga hamon na ilulunsad mula sa anumang sektor subalit hindi rin nila hinihikayat ang mga ito.

ASEAN

BUDGET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with