MANILA, Philippines — Pumalo sa hindi bababa 122-katao ang iniulat na nasawi sa plane crash sa South Korea kahapon.
Batay sa naglabasang video, makikitang pasadsad na nag-landing ang Jeju Air at wala ang mga gulong nito bago tuluy-tuloy na sumalpok sa pader at agad nagliyab.
Sa ulat ng local fire officials at aviation experts nagkaroon ng landing gear malfunction ang eroplano.
Dalawang survivor ang nakuha na pareho umanong crew members.
Ang bumagsak na eroplano ay isang Jeju Air jetliner na may sakay na 175 pasahero at 6 crew na lumipad mula Bangkok patungo sa Muan county sa South Korea.
Naniniwala ang mga awtoridad na madaragdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa mala-impiyernong pagkasunog ng naturang eroplano.