Bisperas ng Bagong Taon magiging maulan

MANILA, Philippines — Uulanin ang ilang ba­hagi ng bansa sa bisperas ng Bagong Taon, batay sa weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Admi­nistration (PAGASA).

Ayon kay weather specialist Benison Estareja , mananaig sa ilang bahagi ng bansa dahil sa shear line, amihan at intertropical convergence zone (ITCZ).

“Pagsapit ng huling dalawang araw ng 2024, makakaasa po tayo ng pag-ulan,” ani  Estareja

Aniya, ang shear line ay magdadala ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon.

“Moderate to heavy rains pa rin po ang mararanasan sa may Caga­yan Valley, Aurora, Que­zon, Camarines Norte, Oriental Mindoro and Marinduque dahil pa rin sa epekto ng shear line,” dagdag pa ni Estateja.

Show comments