Mary Jane Veloso inilipat na sa regular dorm
MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Bureau of Corrections (BuCor) na natapos na ang limang araw na quarantine ni Mary Jane Veloso kaya’t inilipat na siya sa isang regular dorm sa Reception and Diagnostic Center (RDC) sa Correctional Institution for Women (CIW).
Ayon sa BuCor, si Veloso ay inilipat sa regular dorm kamakalawa, kung saan makakasama niya ang nasa 30-newly-received persons deprived of liberty (PDLs).
Mananatili doon si Veloso sa loob ng 55-araw at sasailalim sa mandatory orientation, diagnostics, at classification.
Matatandaang matapos ang mahigit isang dekadang pagkabilanggo ay pinahintulutan ng Indonesian government na maiuwi sa Pilipinas si Veloso upang dito na ituloy ang pagsisilbi sa kanyang sentensiya sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.
Umaapela naman ang pamilya ni Veloso at iba’t ibang sektor kay Pang. Marcos na mabigyan ito ng clemency upang tuluyan nang makalaya.
- Latest