^

Bansa

Burial site ng criminal group, nadiskubre

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Mga kalansay nahukay…

MANILA, Philippines — Bumulaga sa mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kalansay ng mga tao sa Barangay Baluntay, Alabel, Sarangani Pro­vince sa mismong araw ng Pasko.

Ayon sa PNP-CIDG, nakatanggap sila ng tip na may mga salvage victims na inilibing sa lugar kaya agad na kumuha ng dokumento mula sa korte.

Agad na nagsagawa ng exhumation sa pinaniniwalaang burial site ang PNP-CIDG kasama ang mga forensic experts.Tumambad sa kanila ang mga kalansay ng tao sa nasabing lugar.

Sinabi ni CIDG chief Police Brigadier Ge­neral Nicolas Torre III, na ayon sa saksing si “Dodong”, isa sa mga kalansay ay natukoy na si alyas “Jomar” ng  Polomolok, South Cotabato,  na tatlong buwan nang nawawala.

Sasaillalim naman sa kumpirmasyon ng  forensic analysis ang mga natagpuang mga kalansay.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with