^

Bansa

Alert Level 4 sa Kanlaon pinaghahandaan na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Alert Level 4 sa Kanlaon pinaghahandaan na
A netizen from Toledo, Cebu captured the eruption of Kanlaon Volcano on December 9, 2024
Photos courtesy of Rob Ilumba Ugbinada

MANILA, Philippines — Naghahanda na ang Office of Civil Defense (OCD) sa pagpapatupad ng higit na mas mataas na alert level sa Kanlaon volcano sa Negros Island.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) 6 Western Visayas Director at Task Force Kanlaon Chief Raul ­Fernandez, kabilang sa mga sce­narios na kanilang pinaghahandaan ay ang pagdaloy ng lava, mas malakas na pagsabog ng bulkan o ang plateu volcanic activity.

Base sa kanilang assessment at pagkukumpara sa iba pang mga ­aktibong bulkan ay may indikasyon na ang mga nakalipas na pagsa­bog ng Kanlaon ay magdudulot ng pagdaloy ng lahar.

“We are preparing for a ­heightened alert level, and Phivolcs has advised us to maintain Alert Level 3. Preparations are underway in Himamaylan City, where we are establishing a tent city in anticipation of a possible escalation,” ayon kay Fernandez. Sa Negros Oriental, plano ring ilagay ang tent city sa bayan ng Vallehermoso at Guihulngan City.

“We will await further guidance from Phivolcs, which is closely monitoring the volcano’s activity. Currently, the threat of lahar is minimal, as the volume of materials is not positioned along waterways. While the situation is not alarming, we are taking necessary precautions,” anang opisyal.

Samantala tiniyak naman ni Fernandez ang sapat na relief goods para sa mga pamilya na apektado ng pagputok ng bulkan habang namahagi na rin ang lokal na pamahalaan at Philippine Red Cross sa pamamahagi ng ‘hot meals’ sa mga evacuation centers.

KANLAON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with