^

Bansa

Pag-aalis sa medicine booklet requirement ng senior, pinuri ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senador Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health and demography, ang Department of Health (DOH) at si Secretary Teodoro Herbosa sa pagpapalabas ng Administrative Order (AO) No. 2024-0017.

Inaalis na ng AO ang requirement sa mga ­senior citizen na magpakita ng purchase booklet para maka-avail ng mandatong 20% discount sa mga gamot sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9994, mas kilala bilang Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Ang inisyatiba ay itinuturing na malaking tulong na mabawasan ang abala para sa seniors sa pag-access ng abot-kayang gamot.

“Napakalaking ginhawa nito para sa ating mga lolo at lola. Minsan mahirap dalhin ang purchase booklet, pero kailangan-kailangan nila ang diskwento sa gamot. Ito ang sagot sa kanilang hinaing,” ani Herbosa.

Ganito rin ang sentimyento ni Senator Go kaya suportado niya ang nasabing hakbang ng DOH.

“Isa itong napapanahong hakbang para masigurong naibibigay sa ating mga senior citizen ang nararapat na benepisyo ayon sa batas. Hindi dapat maging hadlang ang mga lumang requirements sa kanilang kalusugan at karapatan,” ani Senator Go.

Sa ilalim ng AO, ang mga senior citizen ay kailangan na lamang magpakita ng valid identification at reseta ng doktor para makakuha ng diskwento.

“Ang mahalaga, napapadali ang proseso at naiiwasan ang abala. Ang batas ay para sa tao, hindi ang tao ang dapat mag-adjust sa batas,” idiniin ni Senator Go.

BONG GO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with