Pangulong Marcos titintahan P6.352 trilyong budget sa Disyembre 30

President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at the Malacañang on December 3, 2024.

MANILA, Philippines — Lalagdaan na ni Pangulong Ferdinang “Bongbong” Marcos sa Disyembre 30 ang panukalang P6.352 trilyong budget para sa susunod na taon.

Ito ang inanunsiyo ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez.

“Signing on 30 December 2024 after the Rizal Day program in Manila,” pahayag pa ni Chavez.

Nauna nang sinabi ni Chavez na hindi napag-uusapan sa Malacañang ang posibilidad na magkaroon ng reenacted budget para sa susunod na taon.

Aniya, hindi nababanggit ang tungkol sa reenacted budget sa nakalipas na dalawang pulong ng gabinete at ang ginagawa ngayon ay masusing pinag-aaralan ito.

Nakatakda sanang pirmahan ng Pangulo ang 2025 national budget noong Disyembre 20 subalit ipinagpaliban ito upang magbigay ng mas maraming oras para mabusisi nang husto at makonsulta ang mga pinuno ng mga heads ng departamento, ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.

Nauna nang inihayag ni Marcos na umaasa siyang malalagdaan ang 2025 national budget bago matapos ang taon.

Show comments