Pangulong Marcos pinulong economic cluster para sa 2025 national budget
MANILA, Philippines — Nagpatawag ng pulong kahapon ng umaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ecomic cluster sa pambansang budget para sa susunod na taon.
Kabilang sa mga ipinatawag ay ang kalihim ng Department of Finance (DOF), Department of Budget and Management (DBM) at National Economic and Development Authority (NEDA) at si Executive Secretary Lucas Bersamin.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) acting Secretary Cesar Chavez, natanggap nila ang nakaprint na kopya ng panukalang badyet noong Biyernes ng hapon kaya inaasahan na dedesisyunan na ito ng Pangulo bago magtapos ang taon.
“President Marcos Jr. hopes to act on the measure before the year ends,’’ ayon pa kay Chavez.
Matatandaan na pipirmahan na sana ni Marcos ang P6.352 trilyong pambansang pondo para sa susunod na taon, subalit sinabi ni Bersamin na hindi na ito matutuloy para bigyan pa ang Pangulo ng oras para sa masusing pagsusuri ng panukala.
Nilinaw naman ng Malakanyang na hindi pa napapag-usapan ang tungkol sa reenacted budget para sa 2025 national budget.
- Latest