‘Pinakamagandang Aguinaldo’ handog sa 7,225
MANILA, Philippines — Mindanaoan farmers mula kay PBBM PROSPERIDAD, Agusan Del Sur – Higit 7,000 magsasaka ang hinandogan ng “pinakamagandang Aguinaldo” ng administrasyong Marcos sa pag-ako ng huli sa P289 milyon nilang pagkakautang sa kanilang mga lupang sakahan.
Ito ang inihayag ni Senador Francis TOL Tolentino sa pamamahagi ngayong umaga ng 8,722 loan condonation certificates sa 7,225 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa mga lalawigan ng Agusan del Sur, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.
“Karangalan ko na maging kabahagi ng seremonyang ito na tumutupad sa pangako ng pamahalaan na palakasin ang agrikultura sa pamamagitan ng pag-ako sa mga utang na nakakahadlang sa ating mga magsasaka para mas maging produktibo,” diin ni Tolentino. Karangalan din aniya na maging bahagi ng pagbalangkas sa Republic Act (RA) No. 11953, o ang New Agrarian Reform Emancipation Act, ang makasaysayang batas na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. noong 2023.
“Nawa’y gamitin n’yo ang regalong ito para tuparin ang inyong mga plano para sa inyong mga anak at apo, at sa inyong komunidad,” binanggit ni TOL sa kanyang talumpati sa pagtitipong ginanap sa Agusan del Sur provincial capitol complex.
- Latest