Bong Go umarya sa survey ng Pulse Asia

MANILA, Philippines — Lalo pang tumatag si Senator Christopher “Bong” Go, kilalang health reforms crusader, sa kanyang kinalalagyan bilang top senatorial contender sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3.

Nasa 3-4 na posisyon, ang awareness rating ni Go ay tumaas din sa 99%, habang ang kanyang voting preference ay umakyat sa 54.7% mula sa 40.3% noong Setyembre.

Umangat din ang kanyang trust rating at performance ratings kumpara sa nakaraang quarter.

Ang legislative accomplishments ni Go ngayong taon at sa mga nakaraang taon ay nagpatibay sa kanyang reputasyon bilang public servant na nakatuon sa paglalapit ng mga serbisyo sa mga Pilipino, partikular sa health, youth, sports, disaster resilience, at iba pa.

Sa ngayon, nakagawa si Go ng 16 batas, nag-isponsor sa 80 batas, kabilang ang 78 panukala para sa pagtatatag o pag-upgrade ng mga pampublikong ospital. Nag-co-author o co-sponsor din siya ng 185 iba pang batas.

Kabilang sa kanyang pinakakilalang kontribusyon ay ang Republic Act No. 11463, na kilala rin bilang Malasakit Centers Act of 2019, na pangunahin niyang iniakda at itinaguyod.

Gumanap din si Go ng mahalagang papel sa pagsasabatas ng RA 11959, ang Regional Specialty Centers Act bilang principal sponsor at isa sa mga may-akda nito.

Higit pa sa kalusugan, siya rin ang pangunahing sumulat at nag-sponsor ng RA 12076, o ang Ligtas Pinoy Centers Act, na nag-uutos sa pagtatatag ng mga fully-equipped, dedicated evacuation centers sa buong bansa.

Show comments