^

Bansa

Desisyon ng COA vs Puerto Princesa officials pinagtibay ng SC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Commission on Audit (COA) na nagpatalsik sa “Early and Voluntary Separation Incentive Program” (EVSIP) ng pamahalaang lungsod ng Puerto Prin­cesa, na nagsasabing ito ay lu­mabag sa batas ng Govern­ment Service Insu­rance Sys­tem (GSIS).

Ipinasa din ng Korte sa Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa diu­mano’y mga paglabag na isinagawa ng mga lokal na opisyal.

Sa 18-pahinang resolusyon ng SC na inilabas noong Pebrero 27, 2024, tinanggihan ng Korte ang mosyon ng reconsideration na isinampa nina Mayor Lucilo Bayron at ng iba pang mga opisyal ng lungsod, kabilang sina Konsehal Jimmy Carbonell, Henry Gadiano, Feliberto Oliveros III, at Roberto Herrera. Ka­sama rin sa mosyon si Mylene Atienza, ang admi­nistrative officer ng lungsod, na bahagi ng Screening & Evaluation Committee.

Pinagtibay ng Korte ang mga naunang natuklasan ng COA, partikular na ang desisyon nito na inilabas no­ong Enero 16, 2020, na nagbigay ng disallowance sa pagbabayad ng mga benepisyo sa ilalim ng EVSIP na umabot sa P89,672,400.74.

Ipinaabot na sa Ombuds­­man ang natuklasan para sa karagdagang imbesti­gas­yon at posibleng pagsusulong ng kaso.

Pinawalang-sala naman­ sina Herrera at Atienza mula sa anumang pananagutan hinggil sa refund ng mga ha­lagang nakasaad sa Notices of Disallowance ng COA.

Nagsimula ang kontro­bersiya noong 2010 nang ipatupad ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa ang EVSIP sa ilalim ng Ordinansa Blg. 438 at Re­solusyon Blg. 850-2010. Noong 2013, naglabas ang COA ng mga notice of disallowance tungkol sa EVSIP na umabot sa P89.67 milyon.

Inapela nina Bayron at ng iba pang mga opisyal ng lungsod ang desisyon ng COA, na humantong sa kasong umabot sa Korte Suprema. (

COA

GSIS

SC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with