Iwas-budol ngayong kapaskuhan: Paano maging protektado sa scam?
MANILA, Philippines — Kasabay ng pag-shopping at pamimigay ng aguinaldo ngayong Pasko ang pag-usbong ng iba’t ibang klase ng scam na ang tanging layunin ay makalap ang personal na impormasyon ng mga Pilipino. Dahil na rin sa tumitinding trapik at pagdami ng tao sa iba’t ibang lugar, marami ang umaasa sa paggamit ng e-wallet upang mapadali ang selebrasyon. Ito na rin ang dahilan kung bakit tila lumala ang pagtatangkang panloloko ng mga scammer sa mga e-wallet users.
Patuloy na sinisugarado ng GCash na protektado ang kanilang mga users mula sa mga banta ng mga online scammers sa pamamagitan ng patuloy na paglunsad ng mga makabagong security features.
Higit pa, ang kumpanya ay aktibong nakikipagtulungan sa mga awtoridad, gaya ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group, National Bureau of Investigation at Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC) sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology (DICT), upang matugis ang mga masasamang-loob at pigilan ang kanilang mga mapanlinlang na operasyon.
Upang tuloy-tuloy ang saya, shopping, at pagsasalu-salo ngayong Pasko, ito ang ilang tips mula sa GCash upang maprotektahan ang sarili at ang laman ng inyong mga e-wallet:
1. Suriing mabuti ang seller o shop na pinagbibilhan
Sa dami ng kailangang regaluhan ngayong Pasko, madaling makabudol ang nag-usbungang online sellers sa social media na nangangako ng mas murang bentahan sa mga viral na kagamitan. Kapag namimili para sa sarili o para sa mga mahal sa buhay, mag-ingat sa maaaring pekeng bentahan o pekeng online stores. Maghanap ng reviews, tumingin ng iba’t ibang opsyon, at magtanong.
2. Suriing mabuti ang mga natatanggap na message o tawag
Ngayong Pasko, marami pa rin ang nagiging biktima ng pagpapanggap sa text o tawag. Kung hindi sigurado sa pinanggalingan ng message, mabuti nang hindi sagutin o pansinin ito. Tandaan na walang opisyal na institusyon ang hihingi ng personal na impormasyon sa text o tawag lamang.
Lagi ring pinapaalalahanan ng GCash ang mga konsyumer na huwag basta-basta magclick ng links at ibigay ang OTP kahit kanino. Hindi rin ito nagpapadala ng links sa kahit anong official communication mapa-text o e-mail.
3. Suriing mabuti ang laman ng inyong e-wallet
Ugaliing alamin ang laman ng iyong e-wallet at i-monitor ang mga transactions. Bukod sa mabuting gawain ang palaging maging maalam sa status ng iyong kaperahan, makikita mo rin agad kung may katiwaliang nangyari sa iyong account. Kapag agarang maireport ang hindi aprubadhong transaksyon gamit ang e-wallet, agaran ding magagawan ito ng paraan.
Komplikado man ang mga scam na tumatakbo ngayong Pasko, simple lang ang pag-iwas sa mga ito. Karagdagan sa pagsunod ng mga nabanggit na tips, siguraduhin ding safe at secure ang gamit na e-wallet app. Makaligtaan mo mang mag-ingat sa dami ng pinagkakaabalahan, protektado ka ng iyong e-wallet app.
Katuwang ng GCash and PNP para tiyakin na ang mga online scammers ay nahuhuli sa pamamagitan ng mga entrapment operations. Kasama rin nito ang NBI para sa agarang aksyon ng mga kaso laban sa online scammer.
Sa pakikipagtulungan sa ahensya, ibinabahagi ng GCash ang mahahalagang datos at impormasyon upang maimbestigahan at mapanagot ang mga tao sa likod ng cybercrimes gamit ang GCash.
Sa pakikipagtulungan sa DICT-CICC, mas pinagtibay ng GCash na labanan ang lumalaganap at nagbabadyang cybercrime activities. Dahil sa ugnayang ito, mapapadali ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa mga pangkaraniwang modus ng mga scammer, pati na rin ang pagtukoy ng posibleng mapanlinlang na mga account.
Mas mapapabilis na rin ang pagsagawa ng aksyon ng GCash laban sa mga modus bago pa man ito mangyari.
Dahil sa mga security features ng GCash at pakikipagtulungan nito sa mga awtoridad, kumpyansa kang safe at secure ang iyong pinaghirapang pera dahil sa GCash, #GSafeTayo.
Maaring idownload ang GCash sa Apple App Store, Google Play Store, or Huawei App Gallery. Kaya mo, i-GCash mo!
Editor’s Note: This press release for GCash is not covered by Philstar.com's editorial guidelines.
- Latest