MANILA, Philippines — Sumulat na sa Sangguniang Panlalawigan ng Zamboanga del Norte si Gov. Rosalina ‘Nanay Nene’ Jalosjos na aksyunan na ang hiling niya na supplemental budget para may ipasweldo sa mga contractual at job order na mga empleyado.
Sa pulong balitaan sa Maynila, sinabi ng gobernadora na matagal na niyang ipinadala sa Provincial Board ang panukalang supplemental budget para pondohan ang sweldo ng mga empleyado.
Mula kasi noong Oktubre hanggang ngayong buwan ng Disyembre ay hindi pa nakakasweldo ang mga contract of service at job order employees dahil sa kawalan ng sapat na pondo.
Nangangamba si Gov. Jalosjos na posibleng maapektuhan ang manpower operation ng lahat ng ahensya ng Provincial Government kung hindi mapapasweldo ang mga empleyado.
Kabilang sa maaaring maapektuhan ay ang operasyon ng Provincial Hospital at mga District hospital, at iba pang mga pagawaing bayan.