Armed Forces of the Philippines nag-deliver ng Christmas packages sa tropa sa West Philippine Sea
MANILA, Philippines — Tagumpay na nakapag-deliver ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng noche buena package sa tropa ng mga sundalo na nagbabantay sa mga inookupang isla ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Roy Vincent Trinidad, spokesman ng Philippine Navy sa WPS, ang AFP-Western Command ang namuno sa pagbiyahe ng mga kinakailangang ‘life support at sustainment provision’ sa tropa na nakabase sa remote outposts.
“As part of the AFP’s 89th Founding Anniversary, the mission also delivered Christmas packages to boost the morale of sailors and marines deployed in the WPS during the holiday season,” pahayag ni Trinidad.
Kabilang sa mga tumanggap ng noche buena package ay mga tropa ng mga sundalo sa Parola Island, Pagasa Island at iba pa.
“The AFP remains steadfast in carrying out its mandate in full accordance with international law and the rules-based international order,” pahayag naman ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.
“Likewise, we will not forget the sacrifices of our troops deployed in these remote stations, far from their family, this Christmas season. They are our inspiration,” ayon pa sa opisyal.
- Latest