MANILA, Philippines — Upang matuldukan na ang pagpapahirap sa mga ordinaryong pamilyang Pilipino, nagdeklara na si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng all out war laban sa mga profiteer, smuggler at hoarder ng pagkain.
“Sa mga profiteers dyan, ‘yung mga unscrupulous traders and wholesalers, we are going after you. The House will go after you. We will not allow this abuse to happen, lalo na itong panahon ng Pasko,” giit ni Romualdez.
Kasabay nito, sinabi rin si Romualdez na gagawa ng mga agresibong hakbang ang Kongreso upang mapababa ang presyo ng pagkain at mananatiling prayoridad ng Kamara ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga Pinoy.
“The government is doing everything. Alam mo naman kaka-cut lang natin ng taripa para sa mga imported rice, from 35 to 15 percent. Ang dami-daming supply na naiimbak dyan pero bakit mataas pa rin ‘yung presyo?” punto ni Romualdez.
“That is what we are trying to ferret out. Bakit nga ba hanggang ngayon hindi pa bumababa ang presyo ng bigas?” dagdag nito.
Ayon kay Romualdez, isa sa mga hakbang ng Kamara ang pagbuo ng Quinta Comm na kilala rin bilang Murang Pagkain Super Committee na nag-iimbestiga kung bakit nananatiling mataas ang presyo ng bigas kahit na mayroong sapat na suplay at ibinaba na ang taripa na ipinapataw sa imported na bigas.
Bukod sa pagkain, tututukan din ng Kamara ang isyu ng mahal na kuryente at suplay ng tubig.
“We will not stop there. Mind you, once we solve that, or at least we get the process going in bringing down the price of basic food commodities, we will even look at other basic needs of the people like power or energy cost. We will look at water. We will look at the very basic needs of the people because we are the House of the People,” dagdag pa ni Romualdez.