NPA wala ng kakayahang maglunsad ng pag-atake
MANILA, Philippines — Wala na umanong kakayahan ang New People’s Army (NPA) na maglunsad ng mga pag-atake kaugnay ng ika-56 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng komunistang kilusan sa darating na Disyembre 26.
Sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na mahina na ang puwersa ng NPA rebels at hindi na nito kaya pang maghasik ng terorismo.
“They are no longer of capable of staging major operations and they are facing leadership vacuum and they are not capable of recruiting additional personnel into their ranks,” saad ni Padilla.
Karaniwan nang naghahasik ng terorismo ang NPA rebels sa tuwing sasapit ang kanilang anibersaryo.
“They are really weakened and they are not capable of large operations,” anang opisyal.
Ayon kay Padilla, sa kasalukuyan ay tinatayang nasa 1,100 na lamang ang mga guerilla front sa ilang rehiyon ng bansa.
Sa kabila nito, inihayag ni Padilla na hindi titigil ang military operations sa pagdiriwang ng anibersaryo ng CPP-NPA.
“We will always be ready for any eventualities. Our commanders on the ground, we trust that they are there to know the situations on the ground and they are preparing accordingly,” ayon pa kay Padilla.
- Latest