Bong Go ika-2-4 sa latest Tangere senatorial
MANILA, Philippines — Isa sa nangungunang contender si Senator Christopher “Bong” Go sa nationwide Tangere survey noong Disyembre 10-13, 2024 para sa darating na 2025 senatorial elections.
Nakakuha ng 49.50% voters preference, si Senator Go ay nasa 2nd hanggang 4th ranking sa senatorial aspirants. Isinagawa ang survey sa 2,400 qualified respondents na may margin of error na ±1.96%.
Kumpara sa survey ng Tangere noong Nobyembre 6-9, 2024 kung saan pumangatlo si Senator Go na may 50.13%, ang kanyang kasalukuyang posisyon ay nagpapakita ng bahagyang adjustment ng mga numero ngunit nananatili siya bilang isa sa mga nangunguna.
“Ang resulta ng survey na ito ay inspirasyon sa akin na patuloy na magtrabaho para sa kapakanan ng ating mga kababayan. Ang tiwala na ibinibigay sa akin ay isang responsibilidad na kailangang tapusin ng patuloy na serbisyong may tunay na malasakit,” pahayag ni Senator Go.
Ang strong showing ni Go sa mga survey ng Tangere ay umaakma sa kanyang mga performance sa iba pang mga pangunahing poll opinion.
Sa PAHAYAG 2024 End-of-the-Year Survey ng PUBLiCUS Asia Inc. na isinagawa mula Nobyembre 29 - Disyembre 3, siya ay lumabas bilang isa sa nangungunang pagpipilian sa unaided voting preference category. Sa mga resulta ng aided voting preference, umakyat siya sa ikaapat na puwesto, isang kapansin-pansing pagtaas mula sa ikalimang puwesto noong Oktubre.
Samantala, sa Pulso ng Pilipino (PnP) Fourth Quarter Pre-Poll Survey ng Issues and Advocacy Center na ginanap mula Nobyembre 5 - Disyembre 1, nailagay si Senator Go sa ikalimang puwesto na may 46.5% voters preference.
Ang mga kilalang survey mula sa Pulse Asia at OCTA Research sa taong ito ay nagpapakita rin ng kanyang malalim na koneksyon sa mga botante sa iba’t ibang rehiyon at demograpiko.
Nakasentro ang legislative agenda at public outreach ni Senator Go sa mga reporma sa kalusugan, accessible public services, youth and sports development, disaster resilience, public order, at iba pa.
- Latest