MANILA, Philippines — Bakasyon, bagong telepono, pagpapaayos ng bahay—maraming gustong bilhin pero palaging may biglaang gastusin! Ngunit kahit parang kada araw ay maraming kailangang tugunan na bayarin, kayang-kaya pa rin makapag-umpisa at magpalaki ng savings dahil walang “masyadong maliit” pagdating sa ipon.
Unti-untiin ang pagpapalaki ng savings
Paano nga ba makakaipon kung wala naman masyadong iipunin? Kadalasang hadlang sa pag-iipon ang ambisyong makakalap ng malaking halaga sa lalong madaling panahon. Ngunit hindi nakasalalay sa pangunang hulog ang tagumpay sa pag-iipon; nakasalalay ito sa disiplina at dalas ng pag-iipon, kahit gaano pang kaliit ito sa umpisa
Sa panahon ngayon, halos wala nang mabibili sa halagang P10. Ngunit kapag inilagay ito sa savings, pwedeng lumobo ang pang-araw-araw na P10 hanggang P3,700 sa isang taon kung may savings account ka na 4.5% na interes kada taon. Dahil sa tinatawag na “compound interest,” ang interes na kinikita ay idadagdag sa halaga ng ipon at magiging parte ng pagkalkula ng interes batay sa bago at mas malaking halaga. Kung ipagpatuloy ang araw-araw na ipon sa loob ng isa pang taon, lalago ang savings ng halos P7,800.
Umpisahan ang habit-stacking
Gustong mag-ipon pero natatakot na hindi ito mapanatili? Habit-stacking ang paraan para sa’yo. Kahit hindi agaran ang magbuo ng habit o may ikasanayang gawain, may mga pang-araw-araw na nakagawian nang pwedeng pagumpisahan ng bagong kalakaran sa buhay.
Ang habit-stacking ay isang teknik kung saan idinadagdag mo ang bagong habit sa iyong pang-araw-araw na routine. Parte ba ng iyong daily routine ang pagbili ng kape sa umaga? Itabi ang P10 sa bawat bili ng kape. Bago mo pa mamalayan, nakaipon ka na para sa isang bagong coffee maker.
Padaliin ang pag-iipon araw-araw
Anuman ang iyong target na ipon at halagang kayang ihulog, madaling magsimula kapag tama ang gamit sa pag-iipon, tulad ng iyong pinagkakatiwalaang e-wallet. Nakapartner ang GCash sa mga kilalang bangko upang madaling masimulan ang pag-iipon gamit lamang ang smartphone. Ang GSave ay isang savings marketplace kung saan maaari mong palaguin at i-secure ang iyong pondo habang kumikita ng interes na hanggang 6% bawat taon.
Sa GSave, madali na ngayong magbukas ng bank account. Maaari pumili ng bangko sa GCash app kaya hindi mo na kailangang pumunta sa kahit anong branch at magbigay ng mga komplikadong requirement. Dahil lahat ng transaksyon ay pwede mong gawin sa GCash, madali kang makakapagdeposito ng maliliit na halaga anumang oras, kahit saan—kahit na kasing baba ng P10!
Madali mo ring makikita ang iyong savings sa Savings Tab sa GCash para madaling subaybayan ang paglaki ng pondo. Sa Quick Save feature, madali na rin lang magdeposito ng pera mula sa iyong GCash wallet patungo sa iyong savings account sa GSave.
Upang gawing mas madali ang pag-iipon, pwede na rin magtakda ng halaga at schedule sa GSave Auto-Save feature. Sa ganitong paraan, hindi mo na kailangan alalahanin pa kung paano at kailan kailangang mag-ipon dahil automatic nang malilipat ang pondo mo sa iyong savings account.
Walang masyadong maliit o masyadong huli pagdating sa savings, kailangan lang mag-umpisa. Kahit maliit lang ang halaga, kung makagawiang araw-arawin ang pag-iipon at gamitin ang GCash na may GSave Tab at Auto-Save feature, tiyak na dadali at bibilis ang paglago ng savings para makamit ang kahit anong layunin mo para sa iyong pondo. Kaya mo na! Madali na magsimulang mag-ipon with the new GSave tab!
Handa nang lumago ang pondo? Maaaring ma-access ang GSave sa GCash dashboard o hanapin ito sa “Grow.” Wala pang GCash? I-download na ang GCash App sa Apple App Store, Google Play Store, o Huawei App Gallery. Kaya mo, i-GCash mo!
Editor’s Note: This press release for GCash is not covered by Philstar.com's editorial guidelines.