Lahat ng POGO dapat sarado na ngayong Disyembre – PAOCC

MANILA, Philippines — Titiyakin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na sarado na ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa hanggang katapusan ng ­Disyembre 2024 matapos bawiin na ang lisensiya ng mga natitira pang POGO nitong Linggo, Disyembre 15.

Sinabi ni PAOCC ­executive director Gilbert Cruz, na batay sa record ng PAGCOR, nasa 20 na lamang ang POGO kaya maipasasara ito hanggang sa katapusan ng buwan.

Masasabing simula Enero 2025 wala nang POGO o anumang mga internet gambling licensee at maging ang mga nagsasabi na business process outsourcing.

Dagdag pa ni Cruz, na magsasagawa sila ng inspeksiyon sa mga POGO upang malaman kung sumusunod ang mga ito sa total ban.

“Next week, mag-iinspeksyon na kami nung mga sinabing nagsara… Syempre ayaw namin nung baka maisahan kami, sinabi nila nagsara sila pero hindi naman talaga nagsara,” ani Cruz.

Show comments