^

Bansa

Apela ni VG Bernos kay Pangulong Marcos: Pumagitna na sa gulo sa Abra

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela si Abra Vice Governor Maria Jocelyn Valera-Bernos kay Pangulong Bongbong Marcos na pumagitna na sa gulo sa kanilang lalawigan.

Kasalukuyan aniyang nasa kalituhan ang Office of the Governor at Office of the Vice Governor lalo na ang kanilang mga kababayan dahil sa hindi naiintindihang suspension order sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary at Department of the Interior and Local Government.

“Nababahala tayo na magkakaroon ng kaguluhan in terms of management ng public service dahil naiipit dito ang mga Abreños kasi sila ang nagiging biktima at nagsa-suffer dahil wala nang proseso ang pag-iisyu ng suspension order,” wika niya sa panayam sa radyo ni Milky Rigonan.

Aniya, 2019 o 2020 pa nangyari ang suspension order laban sa kanya mula sa Malacañang kung saan governor siya.

“Nagsampa pa rin sila ng administrative case sa tanggapan ng executive secretary, ‘yun ‘yung binigyan ako ng suspension order ngayon. After a few days, nagbaba ulit ang opisina ng executive secretary ng preventive suspension naman ng governor ng Abra,” sabi pa niya.

Matatandaang sinuspinde ng Malacañang si Abra Gov. Dominic Valera ng 60 araw dahil sa paglabag sa Local Government Code of 1991.

Nag-ugat ito sa reklamo laban kay Valera at sa kanyang anak na si Vice Gov. Maria Jocelyn Valera-noong nakaraang taon ni Febes Alzate Palcon, asawa ni Bucay town councilor Juan Palcon, na pumanaw noong 2023 dahil sa sakit.

Naniniwala raw siyang politika ang nasa likod ng magkasunod na suspension order laban sa kanila ng kanyang ama kaya nanawagan siya sa Pangulo.

“Naglabasan lang ng mga suspension order nu’ng nagkaalaman na kung sino ‘yung mga magkakatunggali sa nalalapit na eleksiyon,” aniya.

“Ang ginawa ng DILG na kahit nandoon pa akong nakaupo na duly elected na vice governor ng Abra, dineklara ng DILG na bakante na raw ‘yung seat ng vice governor at bigla na lang nag-appoint sila ng acting vice governor,” wika ni Bernos.

MARIA JOCELYN VALERA-BERNOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with