Bong Go, patuloy ang arangkada sa mga survey
MANILA, Philippines — Patuloy na nangunguna si Senator Christopher “Bong” Go sa mga pagpipilian ng mga botante para sa darating na 2025 senatorial elections, gaya ng lumabas sa pinakabagong resulta ng dalawang nationwide survey.
Sa PAHAYAG 2024 End-of-the-Year Survey ng PUBLiCUS Asia Inc. na isinagawa mula Nobyembre 29 - Disyembre 3, nanguna si Senator Go sa unaided voting preference category sa senatorial aspirants na naghain ng kandidatura para sa 2025 elections.
Umakyat si Go sa ikaapat na puwesto mula sa kanyang nakaraang fifth-place ranking noong Oktubre, na lalong nagpatibay sa kanyang posisyon bilang top contender.
Katulad din sa Pulso ng Pilipino (PnP) Fourth Quarter Pre-Poll Survey ng Issues and Advocacy Center na isinagawa mula Nobyembre 5 - Disyembre 1, napanatili ni Go ang matatag na posisyon sa ikalimang puwesto na may 46.5% voter preference.
Ang mga resultang ito ay nabuo sa magandang track record ni Go sa mga naunang survey.
Sa survey ng Tangere mula Nob. 6-9, 2024, siya ay nasa ikatlong puwesto sa solidong 50.13% voters preference.
Sa October PUBLiCUS PAHAYAG 2025 survey kung saan ay nanguna siya sa unaided preference test, may 5% ng mga respondent ang kusang nagpangalan sa kanya. Sa aided portion, nakamit niya ang 35% voters preference.
Sa survey ng Pulse Asia noong Setyembre 2024, niraranggo si Go sa pagitan ng ika-apat at ika-siyam na puwesto, sa nakuhang 40.3% preference. Samantala, ang survey ng OCTA Research noong huling bahagi ng Agosto ay nagposisyon sa kanya sa ikatlo at ikaanim na puwesto na may 49% preference rating.
Idiniin ni Go ang kanyang pagtutok sa pagdadala ng mga programang pangkalusugan at pangkabuhayan sa mga Pilipino, na umaayon sa kanyang adbokasiya bilang “Mr. Malasakit.”
- Latest