^

Bansa

DA-BFAR pinagtibay closed-fishing season

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
DA-BFAR pinagtibay closed-fishing season
Ang patakarang ito, ayon sa DA, ay naglalayong palitan ang stocks ng isda at matiyak ang pangmatagalang food security ng bansa.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinagtibay muli ng Department of Agriculture  at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang kanilang pangako sa closed-fishing season bilang kritikal na hakbang sa konserbasyon ng lamang dagat.

Ang patakarang ito, ayon sa DA, ay naglalayong palitan ang stocks ng isda at matiyak ang pangmatagalang food security ng bansa.

Mula Nobyembre hanggang Marso, ang mga pangunahing fishing grounds ay off-limits sa large-scale fishing.

Ang inisyatibang ito ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr .ay sumusuporta sa ­kapwa mangingisda at mga mamimili sa pamamagitan ng pagtiyak ng sustainable fish production.

Una nang umani ng batikos mula sa grupong PAMALAKAYA ang hakbang na ito ng BFAR, na sinasabing disadvantage  para sa maliliit na ­mangingisda at ang nakikinabang lang ay mga importer.

Ipinagtanggol naman ni BFAR Executive Director Isidro Velayo, Jr. ang programa at nagsabing ito ay  dumaan sa  siyentipikong pag-aaral at  konsultasyon.

BFAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with