^

Bansa

Pangarap na House and Lot ng OFW sa Taiwan, Pamasko ni Las Piñas Cong. Camille Villar

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pangarap na House and Lot ng OFW sa Taiwan, Pamasko ni Las Piñas Cong. Camille Villar
Iniabot ni Las Piñas Congw. Camille Villar (kaliwa) ang susi ng house and lot mula sa Vista Land property developer sa maswerteng OFW na si Angelica Consulta Abellano na nabunot sa Paskong Pinoy 2024: Piyesta, Musika at Kultura” Christmas gathering na inorganisa ng Manila Economic and Cultural Office (MECO). Nasa kanan si MECO chairperson at resident representative Cheloy Garafil. May kaugnay na istorya.

MANILA, Philippines — Natupad ang pangarap ng isang guro na OFW sa Taiwan na mabigyan ng bahay ang kaniyang mga magulang sa Camarines Sur sa pamamagitan ng “Paskong Pinoy 2024: Piyesta, Musika at Kultura” Christmas gathering na inorganisa ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).

Higit 3,000 overseas Filipinos ang tinipon mula sa Taipei, Taichung, at Kaohsiung sa Zhong Mei Tang Gym ng Fu Jen Catholic University sa New Taipei City.

Sa maikling inspirational remark, sinabi ni Villar: “Isang karangalan po para sa akin ang makasama kayo ngayon. Gusto ko pong ipaalala sa inyo na hindi ko kayo kalilimutan. Lahat ng pangangailangan niyo ay inaalala ko. Lapitan niyo lang po ako, at handa po. akong tumulong sa inyo sa abot ng aking makakaya.”

Aniya, ang mga magulang na sina dating Senate President Manny Villar at incumbent Sen. Cynthia Villar ay madalas siyang paalalahanan na pangalagaan ang kapakanan ng OFWs, na tunay na bayani ng bansa.

“Taas po ang kamay ko sa inyong pagmamahal sa inyong mga pamilya, at sa inyong walang sawang pagtataguyod sa kanila, na kahit malayo kayo sa kanila ay nandito pa rin kayo ngayon, lumalaban at nagtataguyod para sa kinabukasan ng inyong pamilya at mahal sa buhay. Saludo po ako sa inyong lahat!” ani Villar.

Kinilala rin ni Villar ang pagsisikap ng MECO chairperson at resident representative na si Cheloy Garafil para sa pag-oorganisa ng pagtitipon, na aniya ay “nakakakuha ng pinakaesensya ng kung sino tayo bilang isang tao.”

Sa grand prize na house and lot  mula sa Vista Land property developer na pag-aari ng kanyang pamilya, maswerteng nabunot ang numero ng 26-anyos na si Angelica Consulta Abellano, nagtatrabaho bilang guro sa Taiwan. Isang taon pa lang nagtatrabaho si Abellano sa Taiwan matapos iwan ang pagtuturo sa Tinambac, Camarines Sur sa pangarap na makaipon at maibili ng bahay ang mga magulang.

HOUSE

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with