MANILA, Philippines — Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos na nakahanda ang pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng libo-libong residente na apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Sinabi ng Pangulo sa ambush interview sa Pulilan, Bulacan sa inagurasyon ng NLEX Candaba 3rd viaduct na nakahanda na rin ang Department of Budget and Management (DBM) para sa pondong kailangan dito.
Nagtungo na rin aniya sa Negros si DSWD Secretary Rex Gatchalian para personal na alamin ang kalagayan ng mga apektadong residente.
Namahagi na rin ang DSWD ng food packs para sa mga apektadong residente na pinalikas na nasa loob ng 6km danger zone.
Base sa Office of Civil Defense, nasa 87,000 residente ang ililikas dahil sa pagputok ng bulkan.