^

Bansa

Konsehal sa buong Pinas, suportado si Abalos sa Senado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Konsehal sa buong Pinas, suportado si Abalos sa Senado
Interior Secretary Benhur Abalos presents his certificate of candidacy for senator to the members of the press on Oct. 7, 2024.
The STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Buong-buong suporta ang ibinigay ng Philippine Councillors League (PCL) kay dating Mandaluyong City Mayor at Interior Secretary Benhur Abalos Jr. sa kanyang laban para sa pagka-senador sa darating na halalan.

Sa isang resolusyong inaprubahan nitong Miyerkules, pormal na inendorso ng PCL ang kandidatura ni Abalos matapos ang kanilang National Board Meeting sa World Trade Center, Pasay City. Ipinahayag sa resolusyon ang nagkakaisang suporta ng PCL kay Abalos sa Senado, kung saan binanggit na ang dating DILG Secretary ay “patuloy na nag-iwan ng hindi mapapantayang ambag sa pag-unlad ng bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, itinataguyod ang pambansang kaunlaran at tuluy-tuloy na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong Pilipinas at higit pa.”

Ipinakita rin sa resolusyon ang mahabang listahan ng mga tagumpay ni Abalos bilang public servant. Ilan dito ang kanyang serbisyo bilang Mayor ng Mandaluyong City mula 1998 hanggang 2004 at 2007 hanggang 2016, at bilang Congressman ng lungsod mula 2004 hanggang 2007. Pinuri rin ang kanyang mga programa tulad ng Project T.E.A.C.H., na tumutulong sa mga batang may kapansanan, at ang Garden of Life Park, na kinilala ng Gawad Galing Pook Award. Ang Project T.E.A.C.H. ay kinilala rin ng United Nations noong 2015.

“Sa mas malawak na aspeto ng kaunlaran, ang estilo ng pamumuno ni Abalos ay tunay na magiging kapaki-pakinabang sa buong bansa at maglalagay sa mga Pilipino sa unahan ng progreso at pag-unlad sa buong mundo,” ayon sa resolusyon.

Nagpasalamat naman si Abalos sa PCL sa kanilang suporta.

ELECTION

SENADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with