PNP: Online scammers kakalat ngayong Kapaskuhan

Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, inaasahan na ang paggamit ng online transactions ngayong holiday season kaya nakatutok ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) upang naiwasan at mapigilan ito.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko sa mga online transactions na posibleng samantalahin ng mga scammer habang papalapit ang Pasko.

Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, inaasahan na ang paggamit ng online transactions ngayong holiday season kaya nakatutok ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) upang naiwasan at mapigilan ito.

Sinabi ni Marbil na maaaring maiwasan na maloko online kung ibeberipika muna ang mga transaction at umiwas sa mga kahina-hinalang links.

“Our operations target the syndicates behind these scams, but the public’s awareness and caution are crucial in preventing victimization,” ani Marbil.

Naniniwala si Marbil na maiiwasan naman na maloko kung beberipikahin ng buyer ang mga seller sa pamamagitan ng kanilang mga profile at ratings sa  mga social platform.

Inatasan din ni Marbil ang pagpapaigting sa seguridad ng publiko laban sa iba’t ibang criminal activities kung saan sumasabay ang isyu ng political security bunsod ng nakaambang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

“Christmas is a season of joy and giving, but it is also a period when criminal elements may exploit public vulnerability. The PNP is committed to making this season safe and secure for all Filipinos,” dagdag ni Marbil.

Show comments