Chinese vessels ni-laser 2 barko ng BFAR sa WEST Philippine Sea

Ito ang nakita sa ilang videos na ibinahagi sa ABS-CBN kung saan nangyari ang pag-laser sa mga barko bandang alas-8 ng gabi at tumagal ng limang minuto.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ginamitan ng  laser ng Chinese vessels nitiong Disyembre 2 sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang nakita sa ilang videos na ibinahagi sa  ABS-CBN kung saan nangyari ang pag-laser sa mga barko bandang alas-8 ng gabi at tumagal ng limang minuto.

Wala namang nasugatan sa insidente, ngunit ilang crew ang nagsabing nakaramdam sila ng pananakit ng mata dahil sa itinapat na laser light ng Chinese.

Batay sa report, ang BRP Datu Matanam Taradapit at BRP Datu Tamblot ay nasa Hasa-Hasa Shoal upang maghatid ng fuel at food subsidy sa mga mangingisda nang iharass ng China.

“These videos show the reality on the ground that Chinese vessels harass, and at times, attack Philippine vessels conducting regular maritime patrols within the Philippine exclusive economic zone—contrary to the statement of the Chinese Embassy in Manila that the Philippine vessels are the ones conducting the dangerous maneuvering against the Chinese vessels,” ayon sa BFAR.

Sinabi naman ni Chester Cabalza, pangulo ng Manila-based think tank International Development and Security Cooperation, na ang insidente na panibagong panggigipit ng China  sa barko ng Pilipinas ay maaaring isipin na uri ng armed attack bagama’t sinasabing ginagamit ang laser sa navigation.

Show comments